Leksyon 16 “Kalesa”
Lesson 16 “Carriage”
I. Layunin:
Objectives:
Sa pagtatapos ng leksyon, ang mga estudyante ay inaasahang:
At the end of the lesson, the students are expected to:
1. natutukoy ang ibig ipakahulugan ng awit
identify what happened to the rivers and sea before and after
2. natutukoy ang paraan ng paggamit ng “sa”
recognize the way how to use “to”
3. nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang “sa”
form sentences using “to”
II. Kagamitan :
Material:
Awit: “Kalesa”
Song: “Carriage”
Mang-aawit: Sylvia La Torre
Singer
Musika ni: A. Del Rosario
Music by:
Liriko ni: Levi Celerio
Lyricist:
Tagapaglathala: Suarez Music Publishing
Publisher:
Impormasyon:
Ang awit ay tungkol sa gamit at kahalagahan ng kalesa.
Information:
The song is about the use and importance of kalesa.
III. Pamamaraan
Procedure
A. Gawain Bago Makinig at Magbasa
Pre-listening and Reading Activity
1. Ano – ano na ang mga sasakyan ang nasakyan mo? Ilista lahat ito.
What vehicles of transport have you ridden? List them down.
_________________
B. Gawain Habang Nakikinig at Nagbabasa
While Listening and Reading Activity
1. Awit, Salin at Bokabularyo
Song, Translation and Vocabulary
Direksyon: Pakinggan ang awit at basahin nang tahimik ang liriko ng awit. Pindutin ang you tube link ng awit habang binabasa ang liriko na nasa ibaba nito.
Direction: Listen to the song and read the lyrics silently. Click the you tube link of the song while reading the lyrics below.
“Kalesa”
Original Text | English Translation |
Alin nga bang sasakyan pa | Which among the various vehicles |
Ang tunay na maginhawa | is truly convenient |
Kundi itong dating atin | Nothing else but our own |
Na kung tawagin ay kalesa | That we call “calesa” (rig) |
Subukin mang sakyan ito | Try and ride in it |
Kapag hindi ka nag-enjoy | You’d surely have fun |
Kahit pabalik-balik lang | Just going back and forth |
Sa Quiapo at sa Chinatown | In Quiapo and Chinatown |
Kadalasan pang mangyari | Oftentimes |
Ay kay buti ng kutsero | You will find the carriage driver kind |
At tunay kang mawiwili | And you will be carried away |
Kung masarap makipagkuwento | If you engage him in storytelling |
Sa haba ng kuwentuhan niyo | In your long conversation |
Ay hindi ka malulungkot | You are not likely to get sad |
Kahit mahina ang takbo | And, no matter how slow-paced the ride |
Ay hindi nakayayamot | you won’t get irritated |
Kung sasakay ay mag-darling | If the passengers are a couple |
Kalesa ang pipiliin | They’ll surely choose the calesa |
Kung may ulan at may hangin | If it’s raining and there is a strong wind |
Ay may trapal na pantabing | There is thick cover that doubles as a comouflage |
Pagkat ito ay kay dilim | Because it is dark |
Hindi sila mapapansin | No one would notice |
Ang kalesang sadyang atin | The calesa that is definitely ours |
Ay bagay sa magsing-giliw | Suits all lovers |
O kay inam sakyan ang kalesa | How truly good to ride in a calesa |
Kahit patungo sa Luneta | Whether you are going to Luneta |
Kahit ka na nag-iisa | Even if you are alone |
Tunay ring masisiyahan ka | You will truly find satisfaction |
At kung pagmamasdan ang kalesa | And as you gaze at the calesa |
May kahapong maaalala | You will remember days gone by |
Ang panahon ng ating naglahong Maria Clara | The time of our lost Maria Clara |
No comments:
Post a Comment